Ipinakilala ng Evolution Gaming ang Crazy Time Casino, isang online live game show, noong Hulyo 2020. Mula nang ipakilala ito, naging popular ang laro sa maraming manlalaro sa industriya ng online gaming dahil sa pakiramdam ng panonood ng game show at pagtaya dito. Ang laro ay naghahatid ng kapana-panabik na karanasan dahil sa malalaking potensyal na panalo na dulot ng mga multiplier mula sa Top Slot at mga bonus games. Upang mas maunawaan nating mabuti kung ano nga ba ang Crazy Time Casino, mga panuntunan, at iba pang mga detalye ng laro, gagabayan ka namin gamit ang artikulong ito. Kaya simulan na natin ang pagkilala sa sikat na online live game show.

Mga Dapat Malaman sa Crazy Time Casino

Ang Crazy Time Casino ay isang live game show kung saan ang mga manlalaro ay naglalaro sa pamamagitan ng pagtaya sa mga segment ng malaking gulong na pinapaikot ng isang host na katulad sa isang game show. Ang laro ay nag-aalok ng malalaking potensyal na panalo at kapana-panabik na karanasan para sa mga manlalaro. Sa bahaging ito aalamin natin kung paano nga ba nilalaro ang Crazy Time at bakit sikat ito sa mga manlalarong Pilipino.

Paano Nga Ba Nilalaro ang Crazy Time?

Ang Crazy Time Casino ay nilalaro sa pamamagitan ng isang malaking gulong tulad ng mga money wheel game at mahahalintulad din sa paglalaro ng roulette. Ang mga manlalaro ay mamimili kung anong segment ng wheel ang sa tingin nilang lalabas, maaaring ito ay numero mula 1, 2, 5, at 10, o kaya naman ay mga bonus round: Coin Flip, Cash Hunt, Pachinko, at Crazy Time casino. Bukod dito ang laro ay may dagdag na tampok na Top-Slot na matatagpuan sa taas ng malaking gulong. Maaari nitong mapataas ang panalo kung magtutugma ang lalabas sa malaking gulong at Top Slot multiplier.

Mga Pangunahing Tampok

Ang Crazy Time ay may mahuhusay na tampok na nagiging dahilan ng pagbalik ng maraming mga manlalaro, narito ang ilang mga pangunahing tampok sa laro na nagdudulot nang saya kaya binabalik-balikan ito ng mga manlalaro.

Mga Pangunahing Tampok 
Top Slot MultiplierAng 2-reel slot sa itaas ng malaking gulong ay maaaring magdulot ng mas malalaking panalo na hanggang 50x.
Interactive GameplaySa Crazy Time Casino maaaring makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa mga host at kapwa manlalaro sa pamamagitan ng pakikipag-chat.
High Return to Player (RTP) RateAng laro ay may RTP rate na umaabot ng hanggang 96%, na mataas para sa mga katulad nitong laro sa industriya.
Mobile CompatibilityAng laro ay hindi lang maaaring malaro sa mga Laptop/PC, ito ay fully optimized din sa mga mobile device kaya naman makakasigurado ka na maaari kang maglaro on-the-go.
Mga Bonus RoundAng laro ay nagtatampok ng 4 na bonus round na nag-aalok ng malalaking potensyal na panalo na maaaring tumaas ng hanggang 20,000x.

Kasikatan ng Crazy Time sa Pilipinas

Ang mga Pilipino ay mahilig maglaro ng mga larong nakakapagbigay ng malalaking panalo at isa ang Crazy Time casino sa mga larong ito. Dahil sa madaling malaro, matutunan at ma-access, agad itong pumatok sa maraming mga manlalaro sa bansa. Bukod dito, ang hindi matutumbasang kapana-panabik na karanasan na dulot ng laro ang dahilan bakit ito patuloy na tinatangkilik.

Pag-unawa sa Mga Bonus Game

Katulad ng aming nabanggit ang Crazy Time Casino ay sumikat dahil sa alok nitong malalaking mga potensyal na panalo, ang mga panalong ito ay nagmumula sa mga bonus game ng laro. Narito ang mga dapat mong malaman sa bawat isang bonus game na iyong matatagpuan sa laro.

Cash Hunt

Ang Bonus game na ito ng Crazy Time casino ay nagtatampok ng isang shooting gallery na naglalaman ng 108 na iba’t ibang mga simbolo na may multiplier sa likod nito. Kapag lumabas ang Cash Hunt, ang mga manlalaro ay pipili ng isang simbolo sa screen gamit ang kanyon at babarilin nito ang napiling simbolo. Ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng iba’t ibang multiplier depende sa napili nilang target. Ang bonus game na ito ay nagbibigay pagkakataon sa mga manlalaro na pumili ng nais nilang target sa laro.

Coin Flip

Ang Coin Flip ay isang bonus game sa Crazy Time casino na pinakasimple at madaling laruin. May isang Coin na may Red at Blue side na ihahagis sa laro. Ang bawat panig ng Coin ay may random na multiplier. Sa pagsisimula ng laro ihahagis ang Coin at kung anong panig ang lalabas at kung ilang multiplier ang katumbas nito ang makukuhang panalo ng manlalaro. Bilang Halimbawa kung ang Coin Flip ay nag resulta ng Red at ito ay may 25x multiplier ang manlalaro na tumaya sa Coin Flip ay makakatanggap ng 25x ng kanyang pangunahing taya.

Pachinko

Tulad ng tradisyonal na Pachinko na laro, ang bonus game na ito ay nagpapakita ng isang malaking board na naglalaman ng mga peg at isang puck at iba’t ibang mga multiplier sa baba nito. Sa pagsisimula ng laro ang puck ay ibinabagsak mula sa itaas, ang multiplier kung saan ito mahuhulog ang magiging halaga ng premyo na makukuha ng manlalaro. Ang espesyal na tampok ng larong ito ay ang “DOUBLE” na kapag dito nahulog ang puck ang mga halaga ng multiplier sa iba-iba ay madodoble at muling maghuhulog ng puck, ang premyo sa larong ito ay maaaring umabot ng hanggang 10,000x.

Crazy Time Bonus

Ang bonus game na ito ang pinaka-kapana-panabik na bahagi ng Crazy Time Casino. Ang mga manlalaro ay napupunta sa isang virtual world na may malaking gulong na naglalaman ng maraming multiplier. Bago simulan ang pagpapaikot ng gulong mamimili ang mga manlalaro ng isa sa tatlong flapper (blue, green at yellow). Ang mga multiplier na hihinto sa napiling kulay ng flapper ang magiging panalo ng manlalaro. Tulad ng sa Pachinko, meron din itong DOUBLE at TRIPLE segment na patuloy magdodoble o triple ng lahat ng mga multiplier sa wheel kung ito ay matatapat dito, na maaaring umabot ng hanggang 20,000x na multiplier.

Gabay sa Paglalaro ng Crazy Time Casino

Ang Crazy Time Casino ay simple at madaling laruin na kahit mga baguhan ay madali itong maiintindihan. Sa bahaging ito, gagabayan ka namin upang matutunan ang mga hakbang sa paglalaro ng Crazy Time.

Paglalagay ng Taya

Sa simula ng laro, ang mga manlalaro ay bibigyan ng ilang segundo upang mag desisyon kung saan nila ilalagay ang kanilang mga taya. Maaari nila itong ilagay sa mga numero mula 1, 2, 5, at 10 o kaya naman sa mga games tulad ng Cash Hunt, Coin Flip, Pachinko, o Crazy Time. Maaari kang maglagay kang maglagay ng taya sa bawat segment.

Hintayin ang Pagpapa-ikot ng Gulong

Kapag natapos na ang oras ng paglalagay ng taya, oras na para sa host na paikutin ang malaking gulong. Kasabay ng pagpapaikot ng gulong ang Top Slot ay iikot din upang magbigay ng random multiplier para sa mga numero o bonus game na maaaring lumabas.

Resulta ng Laro

Oras na matapos ang pag-ikot ng gulong at kung tumapat ito sa segment na iyong tinayaan ikaw ay makakakuha ng kaukulang payout. Kung ang Top Slot naman ay tumugma sa lumabas sa gulong, ang iyong panalo ay madaragdagan base sa multiplier nito. Kung tumapat naman ito sa mga bonus game at tumaya ka dito makakasali ka sa bonus round na iyon.

Dagdag Kaalaman sa Pangunahing Round ng Laro

Sa simulang round ng laro, papaikutin ang malaking gulong kasabay ng Top Slot. Ang Top Slot ay karagdagang tampok sa laro na nagbibigay ng random multiplier para sa mga numero at bonus game. Kung ang resulta ng Top Slot at ng malaking gulong ay magtugma ang panalo ay madadagdagan base sa multiplier nito. Bilang halimbawa, kung ang Top Slot ay nagpakita ng 5x multiplier sa 10 at huminto ang malaking gulong sa 10, ang mga manlalaro na tumaya sa 10 ay makakatanggap ng 50:1 payout (10 x 5). Ang tampok na ito ang nagdaragdag ng kasiyahan sa paglalaro ng Crazy Time Casino.

Mga Crazy Time Strategy at Tips sa Paglalaro

Crazy Time Casino ay isang laro kung saan kinakailangan mong maging maswerte upang manalo ng malaki dahil ito ay napapabilang sa mga hanay ng mga laro ng pagkakataon. Gayunpaman, may ilang mga Crazy Time Strategy na maaaring magamit upang mapahusay ang iyong pagkakataon manalo sa laro.

Pumili ng Kagalang-galang na Platform

Kapag maglalaro ka ng Crazy Time Casino, importante na pumili ng mapagkakatiwalaang platform tulad ng Lucky Calico. Sa paraang ito maiiwasan mo ang anumang mga banta ng scam at pagnanakaw ng impormasyon. Bukod dito makakasigurado ka na ang mga laro ay hindi dinadaya at palaging patas.

Unawain Ang Mga Odds sa Laro

Ang pag-unawa sa mga odds sa bawat taya ay nakakatulong upang mapataas ang iyong pagkakataon manalo sa laro. Kapag mas maraming bilang ng segment ang iyong tatayaan mas mataas ang iyong pagkakataon manalo sa laro. Para lubos itong maunawaan ipapakita namin ang bawat segment ng maaaring tayaan sa laro at ang bilang at porsyento ng nasasakupan nito sa gulong pati narin ang payout sa bawat taya.

SegmentBilang ng SegmentPorsyento sa GulongPayout
12138.89%1:1
21324.07%2:1
5712.96%5:1
1047.41%10:1
Cash Hunt23.70%Varies
Coin Flip47.41%Varies
Pachinko23.70%Varies
Crazy Time11.85%Varies

Pinapakita sa itass ng Talahanayan na ang numero ng 1 at 2 ang mas maraming bilang ng segment sa gulong, dahil dito, ang mga ito ang may mas mataas na pagkakataon lumabas sa gulong. Gayunpaman, kung iyong titignan ang payout para sa mga ito ay sadyang mababa. Sa kabilang banda ang mga bonus game na may mababang bilang ng segment ay may mas mababang tsansang lumabas ay nakakapagbigay ng malalaking potensyal na panalo.

Pamamahala ng Bankroll

Ang pamamahala ng bankroll ang pangunahing dapat bantayan at gawin ng mga manlalaro, inirerekomenda namin na magtakda ng badyet bago maglaro at manatili dito. Bilang halimbawa kung meron kang ₱500 na deposito sa iyong account gamitin ang ₱300 sa pagtaya sa mga numero at ₱200 naman sa mga bonus round. Ang pagiging disiplinado pagdating sa pamamahala ng bankroll ay makakatulong upang mapahusay ang iyong karanasan sa paglalaro.

Pagtaya sa Mga Bonus Game

Ang mga Bonus Game ang nakakapaghatid ng malalaking multipliers at potensyal na panalo sa laro. Kaya naman inirerekomenda namin na gumawa ng kumbinasyon ng pagtaya sa mga numero at mga bonus game. Sa Paraang ito mapapataas mo ang iyong pagkakataon manalo sa laro kasabay ng pagkakataon na makasali sa mga bonus game. Bilang halimbawa, maaari kang tumaya sa mga numero 1 at 2 ng ₱20, at ₱10 para sa mga bonus game upang maging balanse ang paglalaro ng may mababang-panganib at mataas na panalong taya.

Gumamit ng Crazy Time Trackers

Ang Crazy Time Tracker ay isang paraan para subaybayan ang mga nakaraang resulta ng mga laro ng Crazy Time Casino. Sa paraang ito nakikita mo ang mga madalas na lumabas na mga numero at bonus game sa laro, magbibigay ideya ito kung ano ang iyong tatayaan.

Mga Tips Para sa Responsableng Paglalaro

Ang Crazy Time Casino ay nakakapaghatid ng kakaibang saya at kilig sa bawat manlalaro, mula sa kapana-panabik na paglalaro hanggang sa mga malalaking papremyo sa laro. Gayunpaman, importante na gawin ito ng may pag-iingat at responsable upang maiwasan ang anumang banta ng problema sa adiksyon at labis na paggastos. Sa bahaging ito magbibigay kami ng ilang mga tips upang makatulong sa paglalaro ng responsable. 

Pagtatakda ng Bankroll at Limitasyon sa Paglalaro

Kapag nagsimula kang maglaro, importante na magtakda sapat na halaga na gagamitin sa paglalaro at manatili dito. Halimbawa, kapag nagdeposito ka ng ₱300 pesos, ito lamang ang halaga na iyong gagamitin sa paglalaro. Kung manalo ka at naging ₱500 ang iyong balanse, i-withdraw ang ₱300 at ilaro ang natitirang ₱200. Kung hindi ka naman palarin agad na tumigil sa paglalaro at mag-logout. Sa paraang ito maiiwasan ang anumang mga posibilidad ng labis na paggastos sa paglalaro.

Gamitin Lamang Ang Pera na Kaya Mong Mawala

Ang paglalaro ng Crazy Time Casino ay isang paraan lamang ng paglilibang at hindi dapat ito pinagmumulan ng anumang mga gastos, bukod sa lahat hindi dapat ito isipin na pagmumulan ng kita. Importante na gamitin lamang sa paglalaro ang halaga na kaya mong mawala at hindi ang pera na kailangan mo sa pang-araw-araw tulad ng pangbayad sa mga bills, savings at pagkain sa araw-araw. Ang paraan na ito ay makakatulong upang mas ma-enjoy mo ang paglalaro at hindi iniisip ang halaga na iyong maipapatalo sa laro. 

Regular na Huminto at Magpahinga

Ang paglalaro ng Crazy Time sa mahabang oras ay maaaring magdulot ng pagkapagod at mga padalos-dalos na desisyon na maaaring maging sanhi ng mas malalaking gastos. Inirerekomenda ang pagpapahinga sa kung umaabot na sa 40 minuto ang iyong paglalaro, nakakatulong ito upang mabigyan ka ng mas maayos na pag-iisip sa paglalaro. Kung hindi kayang magpahinga, huminto na lang ng tuluyan sa paglalaro at bumalik na lamang sa mga susunod na araw.

Alamin ang Mga Palatandaan ng Adiksyon sa Paglalaro

Hindi lang ito sa paglalaro ng Crazy Time casino, kundi sa iba pang mga laro sa mga online platform. Kung napapansin mo ang iyong sarili na balisa, labis na gumagastos, at napapabayaan ang mga responsibilidad dahil sa paglalaro, marahil ito ay mga senyales na ng labis na paglalaro. Agad na humingi ng tulong iyong mga mahal sa buhay o sumangguni sa mga prospesyonal upang matulungan kang makabalik at malunasan ang iyong problema sa pagsusugal.

Konklusyon

Ang Crazy Time Casino ay isang laro kung saan nag aalok ito ng kapana-panabik na karanasan sa paglalaro at malalaking potensyal na panalo. Sa pamamagitan ng ilang mga diskarte sa pamamahala ng bankroll, paglalaro sa mga kagalang-galang na online platform tulad ng Lucky Calico, at paglalaro ng responsible, ang mga manlalaro ay matatamasa ang epektibong paraan ng paglalaro. Kung hindi mo pa nasusubukan laruin ito, ito na ang oras, makisali na sa libo-libong manlalarong Pilipino at paikutin na ang iyong kapalaran sa Crazy Time.

Mga Madalas na Katanungan

Ano ang Crazy Time?

Ang Crazy Time ay isang online live game show na nilikha ng Evolution, nagtatampok ang laro ng isang host na nagpapaikot ng malaking gulong na may mga numero at bonus games na nag-aalok ng malalaking potensyal na panalo sa mga manlalaro.

Paano Maglaro ng Crazy Time Casino?

Sa simula ng laro, ang mga manlalaro ay maglalagay ng taya sa mga numero mula 1, 2, 5, at 10 o kaya naman ay sa mga bonus game ng laro. Sa oras na matapos ang pagtaya, ang host ng laro ay papaikutin ang gulong, at ang segment kung saan ito hihinto ang magiging panalo sa laro.

Gaano Kadalas Mag-trigger ang mga Bonus Games?

Walang makakapag sabi kung gaano kadalas ma-trigger ang mga bonus games, maaaring mangyari ito ng magkasunod, o kaya naman ay aabutin ng matagal na mga spin dahil ang posibilidad na matrigger ang mga ito ay mas mababa kaysa sa mga numero. Ayon sa ilang mga website ang mga bonus game ay madalas ma-trigger tuwing ika-pitong spin.

Maaari Bang Malaro ang Crazy Time Casino sa Mobile?

Ang Crazy Time ay mobile compatible kaya naman malalaro ito gamit ang mobile devices, tulad ng paggamit ng Lucky Calico App. maaari mong ma-access ang mga Evolution Games gamit ang kanilang app at makapaglaro on-the-go.

Anong mga Bonus Games ang Mayroon sa Crazy Time?

Ang Crazy Time casino ay nag-aalok ng apat na bonus game: Cash Hunt, Coin Flip, Pachinko, at Crazy Time. Ang bawat bonus game na ito ay may iba’t ibang mga mekaniks ngunit lahat ay nag-aalok ng malalaking potensyal na panalo para sa mga manlalaro.